Birong Pinoy

Ika-2 ng Oktubre, 2011

Mahal kong Dyornal,

Magandang araw na naman po sa inyo!!! Alam mo bang masaya ako ngayon at dahil masaya ako magbabahagi ako sa inyo ng mga birong pinoy….

Ang biro ay madalas na nakaaaliw. Kung ikaw ay biniro huwag seryosohin. Kung ikaw ay nagbiro, iyong pakaisipin na iwasan ang birong masakit sa damdamin.

Kilala ang mga pilipino sa pagigiging masayahin. Sa kabila ng mga dinaranas na kahirapan, nakukuha pa rin ng mga Pilipinongngumiti at magbiro. Iyan marahil ang dahilan kung bakit maiingay ang mga pilipino. Mahilig silang magkwentuhan ng nakatatawang mga bagay. Sabi nga ng mga pilpino na rin, napakabigat daw ng maghapon kung puro trabaho. Kailangan ang kaunting pahinga. At ang konsepto nila ng pahinga ay biruan, kwentuhan, at tuksuhan.

Sa mga dayuhang hindi nakakikilala sa kaugaliang ito, iisipin nilang mabababaw ang mga pilipino. Sa kabaligtaran nito, matatalino at mabibilis mag-isip ang mga pinoy.Heto ang ilang halimbawa ng mga birong pinoy.

MATALINONG MAGTITINDA

Tagpo 1: Sa palengke, isang umaga

Magtitinda: Bili na kayo ng banig! Murang-mura lang. Kasya ng limampu. Ale, mama, bili na kayo!

Mamimili: Bigyan mo ng ako ng isa….dalawa na kaya. Magpipista sa amin sa Linggo at marami akong kamag-anak na darating.

Magtitinda: Tamang-tama! Pistapala sa inyo. Siguradong maraming tao. Gawin na ninyong tatlo.

Mamimili: O, sige na nga!

Magtitinda : Ay, salamat po! Hindi kayo magsisisi, Manang.

Tagpo 2: Sa palengke,pagkaraan ng isang linggo.

Mamimili: Sinungaling ka! Hindi nagkasya ang limampu. Ibabalik ko na ang mga binili kong banig.

Magtitinda: Ay, manang! No return, no exchange. Paano po ba ang ginawa ng mga tao at hindi nagkasya?

Mamimili: Paano pa, di nakahiga.

Magtitinda: Ay mali, kasya ang limampu kapag nakahiga.

MASUNURIN

Tagpo 1: Sa appliance store isang umaga

Ina : Nonoy, huwag kang aalis sa tabi ng bentilador(electric fan) na iyan. Pupunta lang ako sa kabila. Babalikan kita riyan.

Nonoy; Opo, mommy.

Tagpo 2: Pagkalipas ng ilang sandali

Ina: Nasaan kaya si nonoy? Dito ko lang iniwan. At ang bentilador, wala na rito. Teka…miss, mawalang-galang na nga. Nasaan kaya ang bentilador dito? Yaong may stand?

Saleslady: Nabili na po. Inilagay na po sa kahon. Baka nasa couter na. Bakit po?

Ina: May napansin ka bang bata sa tabi ng bentilador?

Saleslady: Bata? Baka iyon pong sunod nangĀ  sunod sa paglalagay ng bentilador sa kahon?

Ina : Oo, iyon nga. Nasaan siya?

Saleslady: Baka nasa counter din po. Puntahan po ninyo sa counter 5.

Tagpo 3: Sa couter 5

Ina : Nonoy, nariyan ka pala! Kanina pa ako hanap nang hanap sa iyo.

Nonoy: Sabi po ninyo huwag akong hihiwalay sa bentilador .

Ina : Aba, e bibilhin na yata iyan! Di mapapasam ka?

Nonoy : Sabi po ninyo. Sumusunod po lamang ako.

Ina : Hay, naku.

Ito ang ilan sa mga birong pinoy …..Ito ang dahilan kung bakit laging masayahin ang mga pilipino pati na rin ako….Hanggang dito lamang po ang aking maibabahagi…

-charl fritzie mamacos-

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: