ang aking pangalawang dyornal

Ika-7 ng Agosto, 2011

Dear Journal,

Magandang araw na naman po sa inyo!!! Natapos na ang buwan ng Hunyo….. Kaybilis talaga ng panahon ngayon parang nasa Ikatlong baitang pa ako…… naaalala ko pa ang mga pagsubok na dumaraan sa aking buhay noong nasa Ikatlong baitang pa ako at ngayong nasa ikaapat na baitang na ako sa sekundarya , alam kong marami pa akong mga pagsubok  na dadaanan lalong lalo na nasa 4th yr. high school na ako at sa science high school pa ako nag-aaral.

Ngayong  Hulyo, mayroong mga pangyayaring hinding hindi ko talaga malilimutan sa aking buhay. Una iyong pinakamahalagang araw ng aking ama noong Ika- Hulyo 07, ang kanyang kaarawan. Masaya ako sa araw na iyon kahit wala ako sa kanyang piling dahil naipadarama ko pa rin ang aking maligayang pagbati sa kanya sa pamamagitan ng pagtawag. Ang laki talaga ng tulong ng teknolohiya ngayon ano??? Kahit nasa malayo makakapiling mo pa rin ang mahal mo sa buhay, ‘di ba??? Maraming salamat Panginoon sa isa na namang taong biyaya mo sa aming ama…,biyaya mo rin sa amin na makapiling pa siya… Marami talagang salamat Panginoon.!!!!!!

Sa buwan din ng Hulyo ipinagdiriwang ang Charter day ng lalawigan nating BOHOL. Sa paggunita ng araw na ito, nagkaroon ng isang fun run na sinimulan ng alas sais ng umaga sa City Hall ng lungsod ng Tagbilaran. Sumali ang mga mag-aaral ng TCSHS pati ako. Napakahaba pala ng tinakbuhan namin ngunit nakaya ko naman…Salamat sa Diyos…

Sa tingin ko’y hanggang dito lamang po ang aking maibabahagi patungkol sa unang dalawang linggo ng Hulyo…hanggang sa muling pag-uusap!!!!!                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                            -Charl Fritzie R. Mamacos IV-Einstein

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: