My third post in journal

Ika-7 ng  Agosto, 2011

Dear Journal,

Maligayang araw na naman po sa inyo!!! Natapos na ang buwan ng Hunyo….. at dalawang linggo ng Hulyo…. Kaybilis talaga ng panahon  parang isang trumpo kung umikot ang mundo natin…… Isang iglap lang ng ating mga mata, bagong araw na naman ang nakikita…Kaybilis lumipas ng panahon pero kasabay nito ang mga pagbabago sa buhay natin…!!!

Sa huling dalawang linggo ng Hulyo, mayroong ding mga pangyayaring hinding-hindi ko rin malilimutan sa aking buhay. Ang kaarawan ng aking Lolo noong Ika- Hulyo 21.  Masaya ak0 sa araw na iyon dahil binigyan pa rin ng Poong Maykapal ang aking Lolo ng 75 taong gulang sa kanyang buhay….Alam kong marami nang mga pagsubok ang dumating sa buhay niya tulad ng kanyang sakit sa kidney at mga karamdaman ngunit nandiyan pa rin siya sa aming piling…nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan pa niya kami ng pagkakataon na ipadama sa kanya ang aming lubos na pagmamahal at pag-aalaga sa kanya…lalung-lalo na naming kanyang mga apo…

Sa buwan din ng Hulyo, ipinagdiriwang ang nutrition month at sandugo. Ang tema ng nutrition month ay ” Breastfeeding: Tama, Sapat at Eksklusibo”. Sa paaralan, nagkaroon kami ng patimpalak ukol sa nutrisyon tulad ng nutri cooking, nutri quiz, nutri race at poster making contest. Sa pagdiriwang ng sandugo, nagkarooon din ng selebrasyon na ginanap sa pantalan ng Tagbilaran. Sumali ang ibang 4th year students ng TCSHS sa nasabing pagdiriwang. Ito lamang po ang aking maibabahagi. Merci (salamat), Au Revoir (goodbye). Hanggang sa muling pag-uusap.

-Charl Fritzie R. Mamacos IV-Einstein-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: