Pangalawang dyornal sa buwan ng Agosto

Agosto 29, 2011

Mahal kong Dyornal,

Maligayang araw na naman po sa inyo!!!!!!! Alam mo wala talaga akong naisip na isulat sa dyornal ko kaya naghanap na lang ako ng kwento para maibahagi ko sa inyo….. Ito’y pinamagatang “Ang Kutsero”…

Si Mang Turing ay kutsero sa isang liblib na baryo sa Quezon. Isang araw ay naging labis na abala siya dahil sa dami ng inihatid ng kanyang karitela. Sobrang layo ng huli niyang pasahero at maghahatinggabi na nang sinimulang niyang umuwi. Mabuti na lamang ay bilog ang buwan at walang kaula-ulap ang kalangitan kaya hindi siya nahirapang makita ang daan. Bagama’t pagod na pagod na siya at ang kanyang kabayo ay natutuwa si Mang Turing dahil malaki ang kanyang kinita nung araw na iyon.

Matapos tumawid sa isang makitid na tulay ay naaninag niya sa gilid ng daan ang isang itim na hayop na tila kakaiba ang pagkakatayo. Lalo pa siyang nagulat nang pahintuin ng nasabing hayop ang karitela. Nakita ni Mang Turing na ang hayop ay isang itim na aso at ito ay nakatayo na animo ay tao!

Sa labis na pagkabigla ay hindi nakapagsalita ang kutsero. Parang tao namang umakyat ang aso sa karitela at naupo sa likuran ni Mang Turing.

“Mamang Kutsero, pakihatid nga po ako sa sementeryo,” wika ng aso.

Hindi makapaniwala si Mang Turing at kahit labis ang pagkatulala ay nakuha niyang ihatid sa sementeryo ang kakaibang pasahero.

“Dito na lang po, Mamang Kutsero,” sabi ng asong itim. At bago pa ito bumaba, “Eto po ang bayad ko.”

Wala pa sa wastong pag-iisip na sinundan ng tingin ng kutsero ang  bumaba hanggang sa ito ay maglaho na sa kanyang paningin. Nakatigil pa rin ang karitela sa harapan ng sementeryo nang mahimasmasan ang kutsero.

“Nakakakilabot!!! Aso?!?! Nagsasalita?!?!” tanong ni Mang Turing sa sarili.

Nilingon siya ng kanyang kabayo.

“Hoy, Turing, kanina pa ako kinikilabutan, ha? Pag hindi pa tayo umalis dito, sisipain na kita diyan!” sagot ng kabayo.

Sana naaliw kayo sa kwentong nainahagi ko sa inyo….. Hanggang dito lamang po….Maraming salamat…

-Charl Fritzie R. Mamacos IV-Einstein-

2 responses to this post.

  1. I’m amaze by your post. I love reading them. It is inspiring, worth-reading and I learn a lot from it. You are such a talented student. I like everything about you – your personality and now your blog (hehehe). Well, i just hope you keep on writing and expressing your thoughts through this blog. You’re AMAZING!!!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: