Unang dyornal sa buwan ng Agosto

Agosto 29, 2011

 

Mahal kong Dyornal,

Magandang araw po sa inyo ….Napakabilis talaga ng takbo ng panahon, ano?… Agosto na ngayon!!! Ilan na lang ang araw na bibilangin ko upang marating ang panibago na namang pagsubok sa aking buhay, ang KOLEHIYO…

Sa unang dalawang linggo ng Agosto, wala akong matandaang mahalaga o espesyal na pangyayari ang naganap sa buhay ko…. kaya, pahintulutan niyo sana akong magbahagi ng isang kwentong kapupulutan ng aral. Ito’y pinamagatang ” Si Tutoy”.

Minsan nagmamadali na pumasok sa opisina si tutoy… Napadaan siya sa bangketa. At sa kakamadali niya hindi niya napansin nasanggi niya yung bulag na pulubi na nanghihingi ng limos sa bangketa.

Nagkalat sa daan yung kaunting barya na nasa basong plastic na hawak ng bulag na pulubi.
Kitang-kita ni tutoy na nagmamadaling kinakapa ng pulubi yung mga natapon na mga barya.

Agad siyang bumalik sa pulubi upang tulungang pulutin ang mga baryang nagkalat sa daan habang nanghihingi ng pasensya.
Pagkatapos pulutin ibinigay ni tutoy yung mga barya sa pulubi.

Sabi ng Bulag na pulubi: “Ikaw si HESUS, IKAW NGA, SALAMAT PO SAYO HESUS!”

At tumangging nagulat si Tutoy: “Hindi po ako si Hesus.. Hindi po.”

Sabi naman ng pulubi: “Ikaw nga talaga si HESUS.. Ikaw nga.”

Tutoy: “Paanu nyo naman po nasabi? Hindi nyo naman po ako nakikita.”

Pulubi: “Kanina habang kinakapa ko yung mga natapon na barya.. Nagdasal ako…”
“Dasal ko na ‘HESUS tulungan nyo po akong pulutin ang mga natapon kong barya sa daan.’ “

Minsan sa buhay natin..
Hindi natin namamalayan na nakakagawa na pala tayo ng mabuti sa ating kapwa kahit sa maliit na paraan.
Dahil sa maliit na mabuting paraan na yun.. Nakikita sa atin mismo si HESUS.

Katulad ni St. Francis of Assisi, Mirror of Christ.
Noong panahon niya, lakad siya ng lakad..
At sa kakalakad niya inaabangan siya ng mga tao.
Minsan natatawag na syang HESUS.
Dahil nakikita na sa kanya si Hesus, dahil sa mga kabutihan nya.

Ang kwentong ito’y hango sa ” Mga kwento ni Tutoy”….

Sana mayroon kayong natutunan sa maikling kwentong naibahagi ko…. Hanggang dito lamang po…. Maraming salamat … haggang sa muling pag-uusap…

-Charl Fritzie R. Mamacos IV-Einstein-

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: