2nd Entry for November

Ika-2 ng Enero, 2012

Mahal kong Dyornal,

Maligayang araw po sa inyo!!! Naaamoy mo ba ang naaamoy ko???hmmm….ang bango ng simoy ng hangin at ang lamig pa… Oo, nga pala Disyembre na pala ngayon … Kaybilis talaga ng panahon…parang isang araw lang ang isang buwan…Malapit na ang pasko … Anong naisip mong magandang regalo sa iyong mga minamahal sa buhay??? Kung ako ang tatanungin, siyempre ang pinakamagandang ragalong ibibigay ko ay ang aking taus-pusong pagmamahal sa mga taong mahalaga sa buhay ko. Pero teka, tsk…tsk… bago muna yan balikan muna natin ang mga pangyayari sa buwan ng Nobyembre.

Nobyembre… ang buwan ng pahinga…hindi, biro lang…ang buwan ng Nobyembre ang buwang may pinakamaraming araw na walang pasok…Bakit??? Dahil sa mga gawaing isinagawa tulad ng “CVIRAA” at “sem-break” kung kailan dalawang linggo kaming walang pasok. Salamat naman at nabigyan kami ng pahinga sa gawain o proyekto sa paaralan .

Nobyembre, ang buwan kung kailan ginugunita ang araw ng mga santo at mga patay. Sa mga araw na  ito, dinalaw namin ang puntod ng mga yumaong mahal namin sa buhay. Nag-alay kami ng mga bulaklak. at nagdasal.

Sa buwang ito ginanap ang ikaapatnapu’t tatlong kaarawan ng aking pinakamamahal na ina…masaya ako para sa kanya dahil biniyayaan pa siya ng isa pang taon upang makasama namin… Hiling ko sa araw na ito na sana patatagin pa ang aking ina na nagsisilbing ilaw ng aming pamilya…Sana’y huwag siyang pababayaan ng Panginoon sa lahat ng mga pagsubok na darating sa kanyang buhay at isa na ang dinadala niyang karamdaman. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan Niya kami ng isang napakabait at maaalahaning ina.. para sa akin, siya ang pinakaespesyal na ina sa buong buhay ko.

Sa buwan ding ito ginanap ang ikapitumpong taong gulang ng aking nanay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na biniyaan Niya kami ng isang mabait na nanay na handang tumulong sa lahat ng aming mga problema at suliranin sa pamilya. Na laging nandiyan sa tabi namin upang kami gabayan at suportahan sa aming mga gawain sa buhay.

Sa tingin ko’y ito lamang ang aking maibabahagi para sa buwang ito.Hay, malapit na ang pasko!!!Tiyak marami na namang regalo!!!Hanggang sa muling pag-uusap..

-charl fritzie r. mamacos IV-Einstein-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: